Pag-aalaga ng Kambing: Mga Gabay at Kaalaman

Sinabi ng eksperto sa kahayupan na ang kambing ay isa sa pinakamadaling alagaan. Hindi na kailangan pa ang malaking puhunan at mabilis pang pagkakitaan. Itinuturing na pinakamainam na pagkunan ng karne at gatas ang kambing at ito ay madaling alagaan.

Lahat halos ng uri ng damo, halaman o maliliit na punong kahoy ay kinakain ng kambing. Mabilis ding dumami ang kambing dahil maikli lamang ang panahon ng pagbubuntis kaya tinagurian ito na "baka ng mahirap".

Masustansya ang karne at maprotina ang gatas ng kambing. Ang gatas ay maaaring gawing keso, mantikilya at kendi samantalang ang karne ay paboritong namang pagkain sa masasayang pagtitipon. Sa pag -aalaga ng kambing, ipinapayo ng mga eksperto sa paghahayupan na mag-alaga ng dalawang kambing. Kung nag-iisa ang aalagaan, ito ay nagiging malungkot at laging naghahanap ng makakasama.

LAHI AT KLASE NG KAMBING

Kung mag-aalaga ng kambing, ipinapayo ng mgaeksperto sa paghahayupan na pumili ng lahing angkop sa lugar  na pag-aalagaan. Sinsabing mas mainam kung ang aalagaan ay imported kaysa lokal na lahi.

Kabilang sa mga inirerekomendang imported nalahi na dapat alagaan ang mga sumusunod:

Ang TOGGENBURG ay ang lahing may puting guhit sa mukha at paligid ng tenga. Nagkakaloob ito ng 4 na litrong gatas sa loob ng isang araw.

Ang ANGLO-NUBIAN ay may malaking buto at tumitimbang mula sa 100 hanggang 400 kilo.Bilog at tuwid ang tuhod. Karaniwan itong kulay kayumanggi bagamat minsan ay itim o batik -batik. Nagbibigay ito ng 2 hanggang 3 litro ng gatas sa isang araw.


Ang SAANEN ay may kulay gatas sa ulo o leeg. Maaaring gatasan ang lahing ito sa loob ng 300 araw at nagbibigay ng 3 litrong gatas sa bawat araw.
Ang lahing INDIAN ay angkop naman sa maiinit na lugar. Matipuno ang pangangatawan at may kakayahang makapagbigay ng 3 litrong gatas sa bawat araw.
Ang French Alphine ay isa sa mga inirerekomendang imported na lahi na nakakapagdulot ng maraming gatas. Maaaring may sungay o wala at itim o puti ang kulay ng lahing ito.

Katangian ng Gatasang Kambing

Mahalaga rin sa mga magsasaka na magkaroon ng ibayong kabatiran sa katangian ng inahin at barakong kambing. Ang babaeng kambing ay dapat piliin batay sa kakayahan nitong magkaloob ng gatas at kung gaano ito kadaling turuan.

Mainam na gatasan ang kambing na may malaki, malapad, laylay at malambot na suso. Kadalasan na maliit at kumukulubot ang suso kapag nagatasan na ang kambing. ibayong dami ng gatas ang makukuha sa inahing malaki ang butas  at mula sa mahusay na lahi.

Paggawa ng Kural ng kambing

Tulad din ng ibang alagaing hayop, kailangan din ng kambing ang isang mabuting kural na may pananggalang sa pagkakabasa. Kailangan na laging tuyo ang kulungan at tiyaking mayroon itong kanlungan na magsisilbing proteksyon sa ulan.

Para makatiyak na palaging tuyo ang kulungan, iangat ng hanggang 30.5 sentimetro mula sa lupa ang kulungan. Lagyan ng siwang ang sahig. Kalatan ng dayami ang sahig at kural.

Maglagay din ng kahon na paglalagyan ng pagkain at timba o batya na paglalagyan ng inumin sa loob ng kulungan.

Karaniwan ginagamit sa paggawa ng kural ang kawayan, pawid, at kogon. Tiyaking walang makakapasok na mababangis na hayop sa loob ng kural tulad ng aso at iba pang mga kauring hayop.

Sa panahon ng tag-init, maaaring mairita ang mga kambing sa langawsa pamamagitan ng pagggamit ng fly traps. Gayunman, higit na mainam na panlunas sa problemang ito ang pagpapanatii ng kalinisan ng kulungan.

Pagpapakain sa Alagang Kambing

Madaling alagaan ang kambing. Damo ang paboritong pagkain ng mga kambing. Mabuting pakain sa mga ito ang Napier, Guinea, at Sentrosena. Kumakain din ang kambing ng dahon ng aratilis, saluyot, ipil-ipil, talinum, akasya, madre kakaw, kamatsile, sampalok, aroma, mani-manian, gumamela, talisay at iba pang uri ng damong tumutubo sa paligid.

Inirerekomenda ng eksperto sa paghahayupan na ipastol ang kambing sa umaga. Gawing salit -salit ang pook na pagpapastulan upang mahusay na makatubo ang damo.

Sa panahon ng tag-ulan, ang kambing ay kailangang papanatilihin sa kulungan. Kung hindi, maaring pastulan ang kambing sa damuhan, pakainin ang mga ito ng darak.

Ang gingatasang kambing ay dapat bigyan ng suplementong pagkain na sagan sa protina at mineral.

Naririto ang pagkain na inirerekomenda ng mga eksperto sa paghahayupan:

Timpla 1.     

5 parte ng binalatang mais; 2 parte ng darak; at 3 parte naman ng kopra ( 5:2:3)

Timpla 2. 

55 parte ng giniling na mais; 22 parte ng pinong  darak; 7.5 hanggang 10 parte ng                          kopra;  at 5 parte ng langis ng utaw. (55:22:7.5:10:5)

Timpla 3.    

33 parte ng giniling na mais; 33 parte ng pinong darak at 33 parte ng kopra. (33:33:33)

Painumin ang mga kambing ng malinis na tubig na inilagay sa malinis na balde. Hindi umiinom ng maruruming tubig at maruming sisidlan ang kambing.

Ang mga barako ay dapat bigyan ng mga espesyan ma pagkain. Madali itong maubusan ng lakas at sigla bunga ng pagpapalahi kaya kailangan sagan sa protina, bigyan ang barakong kambing ng kopra, dara, mais at munggo.

Bigyan din ng pinulbos na balat ng talaba na hinuluan ng asin ang 10 parte ng purong pagkain ng barako.

Pag-aalaga sa Barakong Kambing

Kailangang agresibo ang barakong kambing. Upang maging agresibo ang mga ito, kailangan ang maraming ehersisyo. Iwasan gamitin sa pagpapalahi ang barakong wala pang 8 buwan.

Maaaring tumagal ng 8 sa pagpapalahi ang bawat barakong kambing. Ang ang bawat barako ay may kakayang makapagkasta ng 10 hanggang 20 babaeng kambing kung may gulang na wala pa sa isang taon at maaari pang dagdagan ang kakastahan ng barakokung ito ay nakalampas na sa isang taong gulang.

Sa kontroladong pagpapalahi, gamitin lamang ng 2 beses sa isang linggo sa pagkasta ang barako. Kaya ng isang barako na magpalahi ng 80 hanggang 100 kambing at kung hindi ito gagamitin sa pagpapalahi kailangang ikulong sa kural.

Paglalandi ng Kambing

Karaniwan naglalandi ang kambing ng 1 hanggang 2 araw tuwing ika-18 hanggang ik-21 araw.

Huwag pakstahan ang kambing kung wala pa itong 85 libra o may 10 buwang gulang. Maaari makaapekto sa paglaki ng inahin at magiging anak nito kung maaga ang pagpapalahi.

Walang pinipiling araw o buwan ang pagpapalahi ng kambing. Gayunman, ipininapayo ng mga eksperto sa paghahayupan na iwasang magpalhi ilang buwan bago sumapit ang tag-ulan dahil ang malamig na panahon o mga pag-ulan ay hindi makakabuti sa bagong silang na kambing.

Pagpapakasta ng Kambing

Ayon sa mga eksperto sa paghahayupan, maaari ng pakastahan ang kambing kung mapuna ang mga sumusunod:
  1.  Pag-atungal ng malakas
  2. Pamula-mula at pamasa-masa ng ari na kalimitan ay may lumalabas  na mala-uhog na likido.
  3. Pagwagwag ng buntot lalo na kung nasasanggi ng ibang kambing.
  4. Pagiging nerbyosa, delikado sa pagkain at madalas na pag-ihi.
  5. Pag-unti ng lumalabas na gatas kung ginagatasan.
Ayon sa mga eksperto, kailangang gawin ang pagpapakasta 2 beses at ang ikalawang pagpapakasta ay maaaring sagawa pagkalipas ng 24 na oras matapos ang unang pagpapakasta.

Karaniwang humihinto ang gatas ng kambing kapag ito ay nagsimula ng magbuntis. Kung mayroon pang gatas, patuyuin ito sa pamamagitan ng paghinto sa pagpapagatas. Karaniwang tumatagal hanggang ika 148 hanggang 154 na araw ang pagbubuntis ng kambing.

Pag-aalaga ng batang kambing

Dapat bigyan ng espesyal na pag-aalaga sa bagong silang na kambing tulad ng pagkalingang binibigay sa barako. Sa unang araw ng pagsilang, hindi pa makakakain ng damo ang batang kambing. Ang dapat ibigay dito ay unang gatas ng inahin nakung tawagin ay kolostrum.

Sa pagpapakain, ibuka ang bunganga ng bagong silang na kambing at pisil-pisilin ang gatasan ng inahin. Hayaang sumusong mag-isa ang bagong silang na kambing sa susunod na 3 araw. sa ika 4 na araw, simulang sanayin ito na humiwalay sa inahin sa pagdadala sa pastulan sa dakong hapon. Ipagpatuloy ito hanggang ika 6 o 8 buwan.

Paggatas ng Kambing

Ayon sa mga eksperto sa paghahayupan, ang babaeng kambing ay maaaring gatasan hanggang sa sumapit ang 12 taon. Ngunit ang pinakamabuting gatasan ay ang edad na 4,5, at 6 na taon.

Matapos makapanganak ay nagkakaroon na ng gatas ang kambing sa muli nitong pagbubuntis. Karaniwang tumatagal ito ng 10 hanggang 13 buwan. Dapat ng ihinto ang paggagatas 2 o tatlong buwan bago manganak na muli.

Ang gatas ng kambing ay maaari ng inumin ng tao pagkalipas ng 40 hanggang 148 oras matapos makapagsilang.

Peligroso sa tao ang pag-inom ng sa mga utang patak na may kulay dilaw. Iwasang gambalain ang inahing kambing upang hindi bumaba ang produksyon ng gatas nito. 

 Paraan  sa Pagpapagatas

May 7 HAKBANG sa pagpapagatas ng inahing kambing na inirerekomenda ng mga eksperto sa paghahayupan tuland ng mga sumusunod:
  1. Hugasang mabuti ang kamay bago simulan ang paggagatas.
  2. Linisin din ng maligamgam na tuibig ang suso ng kambing at saka patuyuin.
  3. Pisil-pisilin ang utong para bumaba at mas maraming lumabas na gatas.
  4. Itulak pataas ang suso habang pinipisil-pisil ang utong para lumabas ang gatas. Itapon ang unang sirit ng gatas dahil marami itong mikrobyo.
  5. Kapag lumalakas na ang labas ng gatas, gamitin ang buong kamay sa pagpisil sa suso ng kambing.
  6. Gawin ang mga nabanggit sa kabilang suso.
  7. Kapag kakaunti na ang gatas, tiyakin kung may natitira pa sa pagpisilsa utong at paghila ng pababa rito.
Ipinapayo ng mga eksperto sa paghahayupan na huwag sosobrahan ang paghila sa suso upang hindi mapinsala ang utong. Ang huling patak ng gatas ang pinakamasustansya ayon sa mga eksperto.

Sa panahon ng kasalatan sa kabuhayan dulot ng matinding krisis na dinaranas ng mamamayan, ang mga magsasaka ang tumatayong matibay na suhay sa humahapay na ekonomiya ng bansa. Ang larawan ng kahirapan na nadarama ng mamamayan na lalong pinatindi ng mga krisis pampulitikal at mga kalamidad na nangyayari sa bansa.

Sa ganitong krisis pangkabuhayan, ang mga magsasaaka ay dapat mabigyan ng mabuting patnubay upang maging produktibo hinggil sa iba't-ibang larangan ng pagsasaka na makakatulong upang kung hindi man totohanang masawata ang lumulugmok na ekonomiya na nadarama sa kasalukuyan at maaaring madama sa hinaharap, mabawasan man lang ito ng malaking bahagdan.

Dahil dito, ipinayo ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga magsasaka na pumalaot sa pag-aalaga ng iba't-ibang alagaing hayop bilang pantulong sa pangangailan ng pamilya. Isa sa produktibong alternatibo na makadaragdag sa kita ng  mga magsasaka ang pag aalaga ng kambing


Comments

  1. Ano po ang mabisang gamot sa nalubong tiyan na kakapanganak lang na kambing?? Ang sagot nyo ay napakalaking tulong salamat...lumaki po ang tiyan at hindi po makatayo ang kambing namin na kakapanganak lang...

    ReplyDelete
  2. Senyales sa paglaki ng suso ng kambing

    ReplyDelete
  3. Good day po tanong ko lang po May alaga akong kamBing na bagong panganak pa lamang kaso mag tpang apat na araw na po wla Cyang gana kumain at hindi cya mag pasusu ng mga anak nya.anong Pong paraan o dapat naming gawin?salamat po and God bless

    ReplyDelete
  4. Anu poh ang gagawin sa inahin na walang gatas n madede ung kapapanganak na kambing?

    ReplyDelete
  5. Kambing ko hindi makatayo may ubo.buntis po ano mainam na gamot.salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganito din ung kambing natmin di makatayo masakit qng tiyan niya ano kaya lunas sana my maka sagot

      Delete
  6. Ilang araw b bgo iwhiwalay ang anak ng kambing sa inahin pag kapanganak?

    ReplyDelete
  7. Kambing po na lumalabas ang buwa at bituka.. Buntis po manganganak na.. Wala n po gana kumain ano po pwede gawin.?

    ReplyDelete
  8. Ilang beses mag buntis ang kambing sa isang taon?

    ReplyDelete
  9. Anu ano ang mga palatandaan n pwede ng ibenta ang alagang hayop at isda

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede pong magtanong ang buck ko po ay lagi pong nagwawala at nanunuwag minsan po ay laging galit, kaya minsan po ay hindi ko mapakain sa labas sapagkat sa tuwing pakakawalan ko po siya ay lagi pong nanunuwag

      Delete
  10. Bawal po ba ang ipil ipil sa buntis na kambing? Salamt po sa sasagot.

    ReplyDelete
  11. Bawal po ba ang ipil ipil sa buntis na kambing? Salamt po sa sasagot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maganda ang ipil ipil lalo na sa buntis na kambing dahil mayaman ito sa protina na kailangan ng kambing upang makapagproduce ng gatas

      Delete
  12. Tanong lang po, paano kapag nakapasok ang alaga kung kambing sa kabilang bakod at naminsala ito, may kaso ba ako na dapat haharapin o may babayaran ako sa naging pinsala ng kambing?

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo dahil negligence mo po yan bilang isang may ari ng kambing . dapat maging responsable

      Delete
  13. Ano po b ang gamot mging herbal man o Hindi pra s mlpot n gatas ng kambing?paano po b ito maiiwasan?Salamat po.

    ReplyDelete
  14. Ano po gamot sa kambing namaga Namamaga ang tuhod at at di na makalakad bagong Silang Lang po mga 2 linggo palang po ung batang kambing Biglang naalumpo at di na makatayo

    ReplyDelete
  15. Ano po dapat gawin o pwede n po bang pakainin ang imaging nanganak ng kamibing

    ReplyDelete
  16. Pakainin ng dahon at bunga ng MALUNGGAY ang doe para dumami at lumakas ang gatas nito. Ito ay subok na sa tao. Ok din ang acacia, ipil ipil, kakawate at kamachile. Linisin ang pwerta ng doe after manganak para hindi langawin. Siempre, bago manganak ang doe, ihiwalay cya at ilagay sa kidding pen na may malinis na bedding na dayami o tuyong damo. Bigyan ng tubig na may asukal o pulot ang inahin. Huwag muna ipastol (mga 3 days) para maalagaan at mapadede niya ng husto ang kid niya. Icut and carry muna. Dapat at least 5 times daily na dedede ang kid, lalo na kung bottlefeeding. At protektahan sila sa lamig sa gabi at sa ulan. Isang cause ng kid mortality ay HYPOTHERMIA.
    Paalala po, ito poy lingid lamang sa aming kaalaman.

    ReplyDelete
  17. Ano po pwedeng igamot sa kambing na nagtatae?

    ReplyDelete
  18. Tanong ko lng po nagoover due po ba ang pagbubuntisng kambing ?ano pong dpata gawin para umanak ito kung over due na ? Hindi po ba masama na nadede ng inahin ang kanyang sariling gatas??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi po ng Mama ko and based na din sa naobserbahan ko po sa alaga kung kanding, nag-ooverdue po ito kapag lalaki po yung iaanak nung kambing. Yung kambing ko din po kase na alaga super tagal po niya nanganak tas nung pagkapanganak po lalaki po lumabas.

      Delete

Post a Comment