Sinabi ng eksperto sa kahayupan na ang kambing ay isa sa pinakamadaling alagaan . Hindi na kailangan pa ang malaking puhunan at mabilis pang pagkakitaan. Itinuturing na pinakamainam na pagkunan ng karne at gatas ang kambing at ito ay madaling alagaan. Lahat halos ng uri ng damo, halaman o maliliit na punong kahoy ay kinakain ng kambing. Mabilis ding dumami ang kambing dahil maikli lamang ang panahon ng pagbubuntis kaya tinagurian ito na "baka ng mahirap". Masustansya ang karne at maprotina ang gatas ng kambing. Ang gatas ay maaaring gawing keso, mantikilya at kendi samantalang ang karne ay paboritong namang pagkain sa masasayang pagtitipon. Sa pag -aalaga ng kambing, ipinapayo ng mga eksperto sa paghahayupan na mag-alaga ng dalawang kambing . Kung nag-iisa ang aalagaan, ito ay nagiging malungkot at laging naghahanap ng makakasama. LAHI AT KLASE NG KAMBING Kung mag-aalaga ng kambing, ipinapayo ng mgaeksperto sa paghahayupan na pumili ng lahing angkop sa lugar na pag-aal