Mga Pangkaraniwang Sakit ng Baboy at Paano Maiiwasan
Sakit ng Inahin, Dumalaga at Barako
Leptospirosis (bacterial) - Palatandaan: malubha kung may lagnat at pagtatae; chronic form naman kapag naags o nalaglag, mahinang biik, pagkabaog, irregular na heat cycles o pamamaga ng bayag.
Para maiwasan: Bakunahan. Iwasan ang kontaminasyon dala ng ihi ng baboy. Bumili ng barakong baboy na Serologically negative. Suriin ang dugo kada ika 6 na buwan. Hindi dapat gamitin ang barako sa pagkasta kung ito ay may sakit na leptospirosis. Makakahawa ang sakit na ito, pati inahin ay mahahawa.
Brucellosis (bacterial) - Palatandaan: Pagkaagas, pagkabaog, orchitis, nanlalambot (Lameness), mahinang biik, impeksyon.
Para maiwasan: Bakunahan. Pansamantalang ihiwalay ang mga bagong piling palahiang bagong sa lupon ng datihang baboy upang hindi magkahawa-hawa ng sakit ng mga ito.
Pangtaunang pagsusuri ng dugo sa mga palahiang baboy at alisin ang mga may istorya ng pagkakasakit.
Enzootic Pneumonia (bacterial) - Palatandaan: Ubo, Hirap sa Paghinga at sipon.
Para maiwasan: Huwag hayaang nagsisikip ang mga baboy sa kulungan at pamalagihing malinis at tuyo ito lalo na kung tag-ulan. Lagyan ng tabing ang kulungan upang maiwasan ang hamog. ang pakain ay patuloy na lagyan ng suplementong antibayotiko.
Mastitis Metritis Agalactia Complex (MMA) - Palatandaan: Naninigas o namamaga ang suso, mahina ang gatas, lagnat, mamasa-masang puwerta na may masangsang na amoy. Nanghihina ang inahin.
Para Maiwasan: Haluan ng antibiotic feeds supplement ang pakain ng isang linggo bago sa inaakalang panganganak.
Atrophic Rhinitis (bacterial) - Palatandaan: pagtatae, magaspang na balahibo, di malusog na kaanyuan.
Para maiwasan: Pamalagihing malinis at tuyo ang kulungan sa lahat ng panahon. Iwasang mabasa ang mga biik habang nililinis ang kulungan lalo na kung masama ang panahon. Iwasan na malamigan o mahamugan ang mga biik.
Piglet Anemia - Palatandaan: panghihina ng katawan, magaspang ang balahibo, maputlang balat, hirap sa paghinga aat mabgal lumaki.
Para maiwasan: Turukan ng iron ang mga biik tatlong araw pagkapanganak sa mga ito.
Gastroenteritis (bacterial) - Palatandaan: Pagsusuka, pagtatae, panghihina, walng ganang kumain.
Para maiwasan: Bigyan ng pagkain na may antibayotiko at mapalagiang mataas ang dami nito.
Edema Disease - Palantandaan: Nanginginig at hindi deretso ang paglakad. Pagnakahiga ito, may paddling movement.
Para maiwasan: Bawasan ang dami ng pagkain at dagdagan ito ng diet fiber, ito'y upang maiwasan ang mabilis na pagdami ng bacteria sa loob ng bituka. Pamalagiing malinis ang anumang tubig at pagkain sa kulungan. Iwasan ang biglang pag -iiba ng rasyon.
Sakit ng mga Patabaing Baboy
Jowl Abscess - Palatandaan: Nana
Para Maiwasan: turukan ng autogenous bacteria at iwasan na may nakausling matutulis na bagay sa loob ng kulungan ng baboy na nakasusugat.
Roundworm Infection - Palatandaan: Hindi Bumibigat ang timbang, magaspang ang balahibo, malaki ang tyan at walang ganang kumain.
Para maiwasan: Sundin ang tamang programa at pamamaraan ang pagpurga sa inahin at biik.
Swine Dysentery - Palatandaan: Madugo-dugong tae na may laway. Ang tae ay pwede ring maitim. Dahan-dahang nahahawa ang ibang baboy.
Para maiwasan: Linising mabuti ang kulungan at iwasan ang pagsisiksikan dito.
Salmonellosis - Palatandaan: Acute enteritis, nangangamatay na baboy, panunuyo, magspang ang balahibo, mamasa-masang puwet na may dumi.
Para maiwasan: Iwasang malagyan ng dumi (tae) ang pagkain at tubig na inumin ng baboy.
Hog Cholera (Peste sa Baboy Viral) - Palatandaan: Walang ganang kumain, lagnat, namumula at nagmumuta ang mata, pagsusuka, pagkamatay at pamumula ng walang balahibong parte ng katawan at tainga.
Para maiwasan: Bakunahan ang baboy labang sa sakit na cholera.
Swine Influenza (viral) - Palatandaan: Hirap sa paghinga, ubog, paglabas ng uhog, lagnat, walang kumain at pumapayat.
Para maiwasan: Linising mabuti ang kulungan. Kontrolin ang paglaganap ng lungworm. Purgahin kontra bulate.
Foot and Mouth Disease (apthous fever) FMD Viral - Palatandaan: Mahina ang katawan, nanlalambot, sugat sa dila, nguso, bibig, suso, kuko ng baboy at lagnat.
Para maiwasan: Bakunahan ang baboy laban sa sakit na FMD.
Pagkakatay
Ang pagkakatay ng baboy ay nangangailangan ng kasanayan at mga tanging kagamitan. Hindi nararapat gamitin ng isang magsasaka ang kanyang mga kasangkapan sa bahay o sa bukid para katayin ang baboy. Mas magaling na dalhin sa matadero o tumawag ng isang sanay na at may kasangkapan. Kung kakatayin ang baboy, may mga mahalagang bagay na dapat tandaan.
- Ang baboy ay dapat kulungin ng 2 o 3 araw bago katayin. Huwag pakainin sa loob ng 24 oras bago katayin.
- Hindi dapat patayin ang baboy kung masyadong mainit ang katawan. hinihingal o pagod. Dapat ito ay nasa kalagayang tahimik o nagpapahinga.
- Ang mataderong magbubusbos sa lugar lamang na may malaking ugat sa lalamunan. Huwag isaksak ang kampit sa puso. Hindi dapat matamaan ang puso upang patuloy na dumaloy ang dugo.
- Tiyaking nakahanda ang banlian, siguraduhing malaki ito at banlian agad pagkatapos an dumaloy ang dugo.
- Ang pagpapalamig sa kapapatay na baboy ay lubhang mahalaga. Kung magtatagal na mainit ang karne ay madaling mabulok. Sa mga baryo na walng yelo, kailangang isabit ang katawan upang mahanginan. Ang pinakamabuting oras ng pagpatay sa baboy ay madaling araw, ika 4 ng umaga. Bibiyakin ang katawan upang madaling lumamig, maaalis ang amoy at sumingaw ang init. At ang pagtanggal sa karne ay dapat pasimulan 3 oras pagkaraang makatay.
Mahalagang paalala:
Para sa karagdagang impormasyon, kumunsulta sa beterinaryo o sa mga tagapaglaganap ng kaalaman sa pagbababuyan nang maiwasan gn pagkalat ng iba't -ibang uri ng sakit at pagkalugi.
Gumagaling po b Ang baboy na inuubo at sinisipon dpo b Ito nkkmatay?
ReplyDeleteNagsusuka at nagtatae walang ganang Kumain . Gumagaling pa po ba?
ReplyDelete