Pag-aalaga ng Baboy: Gabay at Kaalaman
Gabay at Kaalaman sa Pag-aalaga ng Inahin at Patabaing Baboy
PAGPILI NG MAGANDANG LAHI
Sa pagpili ng magandang lahi na aalagaan, dapat tiyak ang pakay ng mag-aalaga: patabain o pagpaparami? may mga lahing mahusay na inahin at mayroon namang mahusayna patabain. Dapat isaalang-alang din ang katangian, tulad ng pangangatawan ng baboy.
Mga sumusunod na katangian ng bawat lahi na makakatulong sa inyong pagpili:
Yorkshire - Magandang lahi dahil malaki nagiging biik at maraming maggatas. Maganda ang uri ng karne nito.
Landrace - Magandang inahin dahil malalaki rin ang mga biik at maraming maggatas. Umeepekto agad ang pagkain kaya mabilis lumaki ang mga paa nito at hindi gaanong kumakapal ang katawan. Hindi hiyang sa masamang kapaligiran lalo na sa mababang uri ng pagkain.
Duroc - Kulay tansung pula ang lahing ito at kamukhang-kamukha ng Poland China. Matibay ang kanilang katawan sa sakit tulad ng berkshire. Palaanak ang inahin at malaki ang biik. Mabilis Tablan ng pagkain kaya mabilis ding lumaki.
Berkshire -Magandang inahin, palaanak gaya ng ibang lahi lalo na't sa mestisong lahi ipapakasta. ang itim na Berkshire ay may "turned up nose" at may batik na puti sa mukha, paa at buntot. ang tawag dito ay "bulldog hog" at curly haired pig". Mayroon rin pulang Berkshire.
Poland China - Mabilis lumaki ang lahing ito, matangkad at kahawig ng bagong Berkshire. Karaniwang inahin nito ay hindi gaanong palaanak, ngunit kapag ipinakasta sa karaniwang lahi, marami ring magbiik.
Hampshire - Itim ang kulay nito at mahahaba ang paa. Hindi gaano kumakapal ang katawan nito subalit matibay sa sakit at sanay kumain ng kaning baboy.
Hypor - Masipag manganak ang mga inahin at maraming maggatas. Malalaki at malulusog ang biik nito. Malalaman ang likod at masarap ang karne.
Alinman sa lahing nabanggit ay mabuting alagaan lalo kung maliit lamang ang proyektong binabalak, sapagkat ang mga lahing ito ay sanay sa ating klima, nabubuhay sa pangkaraniwan o mababang uring pagkain, at hindi mahirap alagaan at pabahayan.
MGA KATANGIAN PANLABAS NA BASEHAN SA PAGPILI
Sa pagpili ng mga gagawing inahin, mahalagang malaman ang mga sumusunod:1. Tamang kaayusan ng suso
Mahalaga na ang gagawing inahin ay mayroong pitong pares ng suso at tama ang mga agwat ng mga ito upang ang mga anak o biik ay lumalaking malusog at tama sa timbang. Piliin iyong hindi nakabaligtad ang mga utong (inverted nipples) sapagkat kung ito'y nakabaliktad hindi makakagatas at hindi masususo ng mga biik.
2. Haba ng Katawan
Ang mahabang katawan ay isang mabuting katangian, tiyak na maganda ang magiging ayos ng mga suso at ang mga biik ay hindi gaanong magsisiksik kung magsisisuso sa inahin nang sabay-sabay.
3. Lapad o Hubog ng Katawan
Ang katawan ng baboy ay dapat may normal na lapad mula batok hanggang likod. Kung ang katawan ay malapad at matibay ang tadyang.
4. Matipuno, Malusog at Malapad na Balikat, Hita at Pigi
Mahalaga na mabikasa ang balikat, ang hita at pigi dahil dito nakukuha ang mga matataas na uri ng karne, tulad ng porkchop, ham at bacon.
5. Paa at Binti
Importante na malakas at matatag ang mga paa at binti ng inahin upang hindi mahirapang kumilos, lalo na kung ito ay malaki na sa kabuntisan, o kung may pinasususong mga biik.
6. Laki
Laging pipiliin ang pinakamalaki sa grupo ng biik na ipinganak. Mas nakakatipid at mas kikita kung mag- aalaga ng biik na ang tubo ay malaki para sa kanyang edad. Ang tubong malaki sa kanyang pangangatawan ng biik ay dala hanggang paglaki nito.
7. Magatas
Ang paglaki at pagiging masiglang biik ay namamana sa inahin; ang magatas na inahin ay nag aanak din ng magatas na palahian. Dapat ding sagana ang gatas nito. Kapag di magatas ang inahin, hindi malaki at maayos ang mga biik.
8. Walang sakit o kapansanan
Pumili ng masiglang biik mula sa malusog na paanakan. Huwag pipili ng inahing baboy o barako na galing sa isang paanakan na may sakit o kapansanan.
9. Palaanaking Uri
Pumili ng biik na mula sa mga lahing palaanakin. Mas maganda iyong mga lahing walo o higit pa nitong magbiik.
Pagpili Base sa Bilis ng Paglaki at Pagpaparami
Ito ay dapat maging gabay sa pagpili ng aalagaang baboy:
1. Mabilis na Paglaki
Ang mas mabilis na paglaki ng baboy ay nagbibigay ng maraming bentahe para sa nag-aalaga tulad ng mas maikling oras sa pagpapakain, laking kabawasan sa panganib na madapuan bg sakit at mas mababang paggastos sa pag-aalaga. Lahat ng ito ay resulta sa mas malaking kikitain.
2. Magaling Mismo ang Karne
Malalaman kung magandang uri ng karne, kapal ng taba at likod ng baboy.
Mga Pangangailangan sa Kulungan at Kagamitan
Sa paggawa ng kulungang baboy, gumamit na lamang ng mura at lokal na materyales, gaya ng kawayan, nipa o pawid, na makakapagpanatili ng tamang temperatura. Tiyakin din na ang kulunganay nababagay sa kondisyong umiiral sa pook.
Kung gagawa ng permanenteng kulungan, gawing konkreto ang lapag nito upang madaling linisin at mas ligtas sa mga parasitiko at sakit na karaniwang dumadapo sa mga alagaing hayop.
Sa kulungan, tiyaking mayroong labangan, painuman at iba panggamit na karaniwang kailangan. Lagyan ng haling ang labangan upang ang nguso lamang ng baboy ang maipapasok at hindi pati paa'y nakalubog sa labangan. Kailangan ding may ilaw upang mainitan ang mga biik na bagong silang.Sa barangay na walang na walang kuryente, ilagay ang mga biik sa kahong nilataganng sako o kaya'y dayami, ipa at kusot, upang hindi ginawin ang mga ito lalo na kung malamig o mahalumimig ang kapaligiran.
Kulungan
Upang mapalaki ng husto sa tamang sukat at bigat ng alagaing mga biik, tiyaking tama ang sukat ng mga kulungan. Ito ay dapat tama tama sa luwag at hindi masikip. Mas mabuting sundin ang tamang kaayusan at disenyong kulungan upang maging kapaki-pakinabang ang pagbababuyan.
Farrowing House
Growing/Finishing House
Pagpapakain
75% nag buong gastusin sa pag-aalaga ng baboy ay sa pagkain. At kumita ang isang magnenegosyo nito, dapat niyang siguraduhin na mapapalaki nag husto ang mga baboy. Kaya isang balance at matataas na uri ng pagkainang dapat ibigay, at isang maayos na pamamaraan sa pagpapakain ang kailangan upang tama at mabilis ang paglaki ng mga baboy.
1. PRE -STARTER RATION
Ito ay mayroong 20-22% protina. Ang feeds na ito ang ipapakain mula sa edad na limang araw hanggang apat na linggo.
Aabot lamang halos sa isang kilo ng pre-starter ang mauubos ng bawat biik sa loob ng halos isang buwan (5-28 araw). Kung limitado ang pagkain, dalawa hanggang tatlong beses maghapon, ito'y sapat ring makabusog sa kanila. Tiyakin lamang na parating may malinis na tubig na maiinom ng mga biik.
2. STARTER RATION
Ito ay mayroong 7-18% na protina. Ang pagkaing ito ay ibinibigay kapag ang edad ng baboy ay 4 1/2 hanggang 12 linggo na. Rekomendadong dami ng pagkain: 700 gramo hanggang 1 kg. bawat baboy sa isang araw.
3. GROWER RATION
Mayroon itong 15-16% protina. Ibinibigay ito sa mga baboy na ang edad ay mga 12-20 linggo na. Rekomendadong dami ng pagkain: 1 kilo hanggang 2 1/2 - 3 kilo bawat baboy sa isang araw.
4. FINISHER RATION
Mayroon itong 13-14% protina. Ibinibigay ito sa mga baboy na edad ay 12 -20 linggo na. Rekomendadong dami ng pagkain: 1 kilo hanggang 2 1/2 - 3 kilo bawat baboy sa isang araw.
5. BREEDER RATION
Ito ay pagkain para sa lahat ng klaseng palahiang baboy. Ang para sa mga barako ay may 13-15% protina. Ang inahin ay pinapakain ng 2 1/2 kilo bawat araw at maaaring umabot sa daming 4 1/2 kilo sa isang araw.
Gabay para sa Patabaing Baboy
60 - 90 Araw (2-3) Buwan - Dahan dahan ng magpalit ng pagkain, mula pre starter hanggang sa hog-starter na. Ang pagkain ng baboy sa gulang na ito ay dapat dagdagan ng pampalakas na suplementong bitamina, mineral at growth promotant upang mapadali ang paglaki ng mga baboy.
91 - 150 Araw o 4 -5 Buwan - Palakasin ang katawan ng mga baboy laban sa "stress" o sa pagod tuwing papalitan ang mga pagkain o kapag pabago-bago ng panahon. Mabuting maghalo ng electrolytes sa inumin dahil habang lumalaki ang baboy sila ay nakakaranas ng stress. Turukan ng Vitamin B Complex para lalong mapaganda ang "enzymes saction" at tumaas ang kanyang resistensya laban sa sakit.
Dahan-dahang magpalit ng pagkain simula sa Hog Starter hanggang sa Hog Grower. Sundin
ang ang mga sumusunod na gabay:
- Unang Araw - tatlong parte ng Starter sa isang parteng Hog Grower (3:1).
- Pangalawang Araw - kalahating parte ng Hog Starter sa tatlong parteng Hog Grower Feed (.5:1)
- Pangatlong Araw - isang parte ng Hog Starter sa tatlong parte ng Hog Grower Feed (1:3).
- Ikaapat na Araw - purong Hog Grower Feed.
Ang rasyon ng pagkainsa baboy ay dapat ibahin sa iba't -ibang panahon o buwanng paglaki nito
at dahan-dahanin ang pagpapalit ng feeds o pakain ng hindi ito manibago.
Ang pagbibigay ng suplemento tulad ng mga bitamina, mineral at growth promotant ay dapat
na mentinahin para tiyak na tuloy-tuloy ang paglaki at makuha ang kanyang timbang.
- 100 Araw - Bago isagawa at matapos mabakunahan, lagyan ng electrolytes ang mga tubig para manatiling mataas ang resitensya laban sa "stress".
Bakunahan ang mga alagang baboy labang sa Hog Cholera at sa Foot and Mouth Disease
(FMD). Malubhang sakit ang mga ito. Bakuna lamang ang tanging epektibong panlaban dito
bago pa magkaroon ng epidemya.
Patuloy na palakasin ang katawan laban sa "STRESS", maghalo ng electrolytes sa inuming
tubig. Habang lumalaki kasi ang mga baboy ito ay nakakaranas ng stress, kaya't kailangang
maiwasan ang pagkakasakit. Inererekomenda na turukan ng Vitamin B-Complex dahil ito ay
mabisang panlabn sa anumang pagod. Bukod dito, mainam din na maghalo ng antibayotikong
feed supplement sa pagkain.
- 151 - 180 Araw o 5 -6 Buwan -Dahan-dahang ipalit ang finisher/fattener sa Hog Grower Feed. Laging lagyan ng Bitamina at mineral ang pagkain. Sundin lagi ang mga gabay sa pagpapalit ng feeds na nasa unahang bahagi (91-150 araw).
Pagpapabulog ng Baboy
Kung minsan, ang mga dumalagang baboy na naglalandi ng kahit apat na buwan pa lamang ang gulang. Di pa dapat itong pakastahan o ipabulog ng hindi pa husto sa 8 buwan gulang at tumitimbang ng 90 hanggang 100 kilos. Kung hindi ay mapipilitan itong mag-anak at ilang biik lamang ang iaanak, gagaan pa ang timbang at sakitin. Ang itlog kasi na nilalabas ng wala pa sa tamang gulang na naglalanding baboy ay kakaunti; at kapag ito ay naging punla na at nabuo, sadayang mahina ang kalalabasan at mahihirapan pati ang inahing baboy sa pagbubuntis at pagpapagatas.
Subalit pagnakailang beses ng naglalandi ang dumalagang baboy, mas marami itong inaanak na biik dahil ang pagbaba ng itlog mula sa obaryong inahin ay nadadagdagan sa bawat paglalandi nito hanggang ito ay isang taong gulang na. Mas maraming ipagbubuntis na biik ang inahinkapag ito ay ipinakasta sa pangalawa at pangatlong araw ng paglalandi. Hanggang sa dalawa pang biik ang madadagdag sa bawat panganganak kapag ganito ang gagawin.
Gabay sa Pagpaparami
- 2 linggo bago pakastahan - purgahin ang inahin. Ito ay upang maalis o maiwasan ang alinmang uri ng bulate na kaagaw sa mga sustansyang nakukuha sa pagkain. Panatilihin ang mataas na antas ng suplementong antibayotiko sa kalusugan ng unahin o dumalaga sa panahon ng pagpapalahi, at masigurong maraming mabubuong itlog nito.
- 1-2 linggo bago pakastahan - Magbigay ng mabisang antibayotiko at bitamina bago isagawa ang pagbabakuna at pagkatapos mabakunahan. Bakunahan ang inahin laban sa "Stress" at maihanda siya sa panahon ng pagbubulog.
Bigyan ang inahin ng higit sa pangkaraniwang pagkain ( 3.5 -4 kilos araw-araw). Ang
mabitaminang pagkain na may mineral, calcium at phosphorus. Ito ay mahalaga sa pagpapataas
ng obulasyon ng inahin laban sa HOG CHOLERA AT FOOT AND MOUTH DISEASE (FMD).
Turukan ng Vitamin B-Complex, ito ay upang matiyak na malakas at masigla ang biik.
- Pagbubuntis - bawasan ang dami ng pagkain. Bigyan lamang 2 1/2 - 3 kilo ng pagkain araw-araw. Ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga pagkaing may bitamina, mineral, calcium at phosphorus para sa mas malusog at mas malakas na mga biik.
- 1 -2 linggo bago manganak - lagyan ng electrolytes ang inuming tubig, ito upang maiwasan ang anumang paghihirap o stress dulot ng pagpupurga at nang masiguro na malakas ang pangangatawan sa oras ng panganganak.
- Purgahin ang inahin. Ito ay mahalaga upang hindi makontamina ng bulate ang mga biik habang sila ay ipinagbubuntis pa lamang.
- 1 linggo bago manganak - bigyan ang inahin ng dahong berde o gulay, gaya ng kangkong at dahon ng kamote, upang makatulong sa pagtunaw at maiwasan ang pagtitibi; bukod pa sa mabawasan ang pagkakaroon ng "MMA Syndrome" (Mastitis, Metritis at Agalactae) ang pagbibigay ng bitamina at mineral, upang masigla ang "arathyroid glands" sa paggamit ng calcium sa katawan.
Isang linggo bago manganak, itigil muna ang pagbibigay ng calcium sa pagkain, upang mapalakas ang resistensya ng inahin sa anumang sakit at kumplikasyon na maaaring magpahina sa daloy ng gatas. Bunga nito ay mas maraming biik na malulusog sa panahon ng panganganak at pagkapanganak hanggang pagwawalay. Magdagdag ng antibayotiko sa pagkain.
- 3 Araw bago manganak - linising mabuti at disimpektahin ang kulungang pagpapaanakan upang mamatay ang mga mikrobyong nagiging sanhi ng pagkakasakit ng mga biik at inahin.
Linising mabuti ang inahin, lalung-lalo na ang mga paligid ng mga suso upang mapangalagaan ang inahin laban sa MMA Syndrome.
- Sa pagluluwal sa biik - bawat biik na inilalabas ay dapat punasan ng malinis at mamasa-masang basahan lalo na ang ilong upang maalis ang manipis na lamad na bumanalot sa biik at mapaluwag ang paghinga ng biik. Isunog ang pagputol ng pusod. Talian ng may antiseptiko upang maiwasana ang labis na pagdurugo at impeksyon.
Putulin ang pangil ng biik. Kikilin ang matatalim na dulo ng pinagputulan. Iwasang magkasugat ang gilagid. Ito ay kailangan upang maiwasan ang pagkakasugat ng inahin habang nagpapasuso. Ilagay ang mga biik sa lugar na mainit - init hanggang matapos ang panganganak.
- Pagkapanganak -linising mabuti ang inahin lalong -lalo na ang mga suso. Gumamit ng malinis at mamasa-msang basahan. Tanggalin ang inuman ng mga biik.
Hugasan ang loob ng matres gamit ang malabnaw na antiseptiko upang mabawasan ang
posibleng impeksyon at MMA Syndrome.
Turukan ang inahin ng calcium upang maiwasan ang posibleng pagpalya ng gatas o agalactae.
Turukan ang inahin ng Oxytocin upang mailabas kung may naiwan pang biik sa loob ng matres.
Ang turok ay nakapagpapababa ng gatas upang mapadali ang pagpapasuso.
- 1 Araw pagkapanganak - bigyan ang mga biik ng mabisang gamot laban sa pagtatae. Pakainin ang inahin ng pakaing pampagatas. Umpisahan sa 1 kilo sa unang araw at dahan-dahan dagdagan hanggang umabot sa 3 1/2 sa ika 7 araw. ito ay ginagawa upang mapaganda ang daloy ng gatas ng inahin at maiwasan ang pagbaba ng timbang nito.
- 3 Araw pagkapanganak - bigyan ang mga biik ng Iron at Vitamin B-Complex. Ito ay panlaban sa anemia, pagtatae, pulmonya at saka pampagana na rin.
- 5 Araw pagkapanganak - ipagpatuloy muli ang pamimigay ng calcium at phosphorus sa pagkain ng inahin. Ang mga ito ay lubhang kailangan ng mga nagpapasusong inahin at mga nagsisilaking mga biik.
Dapat na nating sanayin ang ating mga alagang biik na kumain ng panumulang rasyon tulad ng
Piglet Pre-Starter Pellets. Ibigay ito sa isang malinis na sulok ng kulungan na hindi kayang
abutin ng inahin. O dili kaya ay Pre-Starter Mash at dagdagan ng tamang bitamina, mineral at
protina upang madagdagan ang sustansyang nagmula sa gatas ng inahin at mas maagang
maiwalay ang mga biik dahil sa mabilis na paglaki at bigat ng mga ito. At tuloy maihanda ang
inahin sa susunod na pagbubuntis.
- 10 Araw pagkapanganak - Turukan muli ng Iron Dextran upang makompleto ang pangangailangan sa iron at tuloy lumakas ang resistensya laban sa sakit.
- 11 Araw pagkapanganak - magbigay ng mahusay na antibayotiko at bitamina matapos isagawa ang pagkakapon. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang stress, sakit at kumplikasyon.
- 28-30 Araw pagkapanganak - awatin ang mga biik na may timbang na 8 -10 kilos pataas. Sa pagwawalay, ilipat ng kulungan ang inahin at iwanan ang mga biik sa dating kulungan. haluan ng electrolytes ang tubig na inumin bago at pagkatapos mawalay ang inahin, maihanda ang sarili sa susunod na pagbubuntis at mapangalagaan ang kanilang kalusugan sa panahon ng stress o pagod.
- 7 Araw pagka-walay - purgahin ang biik upang maalis ang lahat ng bulate na maaring maging dahilan ng mabagl na paglaki.
- 2 Linggo pagkawalay -bakunahan ang mga biik na panlaban sa Hog Cholera o FMD. Sa gulang ding ito ay maari na nating sanayin ang maga biik sa starter feed. Haluan ang ang pagkain ng mga masustansyang makakatulong upang bumigat at lumaki,tulad ng bitamina, mineral, calcium at phosphorus. Kailangan ito upang maiwasan din ang mga grabeng sakit tulad ng mga nabanggit.
Panatilihin ang dami ng suplementong antibayotiko na inihahalo sa pagkain upang lumakas
ang kanilang katawan at mapaglabanan ang epekto ng "stress" (pagod), lalo na ang mga bagong
walay na biik. At upang maiwasan din ang sakit na enteriti, pulmonya at pagka bansot.
- 3 Linggo pagkawalay - pangalawang pagpupurga sa mga biik. Tuluyang maalis ang anumang uri ng bulate na natira.
This blog helped me a lot today! Thank you so much. 😊
ReplyDeletePano po ba para magatas ang inahin na baboy
DeleteDami Kong natutunan...😊😊😊
ReplyDeleteThanks a lot
ReplyDeleteNagsearch ako nito kase gusto ko mag alaga ng baboy. Salamat po marami akong natutunan.
ReplyDeleteThanks po
ReplyDeleteMarami akong natutunan at nalaman,sa pag aalaga NG inahing baboy at mga biik p lamang.tnx PO
ReplyDeletesalamat sa kaalaman na ito
ReplyDeleteAno po kaya magndang gawin s inahing baboy nmin my ubo po xa tapos pihikan po s pagkain Hindi ko n Alam Ang dapat ipakain KC ayaw kumain ng mga pakain Ng baboy pro pag kanin po kumakain Naman sya. Sana po matulungan nyo aq. Salamat
ReplyDeletemaraming salamat po.dami ko natutunan...
ReplyDeleteMaraming Salamat po rito!
ReplyDeleteMaraming salamat po, kasi ngayon may natutunan na ako. Pwde ko NG subukan o sundin ang guide Ninyo.
ReplyDelete