Posts

Pag-aalaga ng Baboy: Gabay at Kaalaman

Image
Gabay at Kaalaman sa Pag-aalaga ng Inahin at Patabaing Baboy PAGPILI NG MAGANDANG LAHI Sa pagpili ng magandang lahi na aalagaan, dapat tiyak ang pakay ng mag-aalaga: patabain o pagpaparami? may mga lahing mahusay na inahin at mayroon namang mahusayna patabain. Dapat isaalang-alang din ang katangian, tulad ng pangangatawan ng baboy.

Pag-aalaga ng Kambing: Mga Gabay at Kaalaman

Image
Sinabi ng eksperto sa kahayupan na ang kambing ay isa sa pinakamadaling alagaan . Hindi na kailangan pa ang malaking puhunan at mabilis pang pagkakitaan. Itinuturing na pinakamainam na pagkunan ng karne at gatas ang kambing at ito ay madaling alagaan. Lahat halos ng uri ng damo, halaman o maliliit na punong kahoy ay kinakain ng kambing. Mabilis ding dumami ang kambing dahil maikli lamang ang panahon ng pagbubuntis kaya tinagurian ito na "baka ng mahirap". Masustansya ang karne at maprotina ang gatas ng kambing. Ang gatas ay maaaring gawing keso, mantikilya at kendi samantalang ang karne ay paboritong namang pagkain sa masasayang pagtitipon. Sa pag -aalaga ng kambing, ipinapayo ng mga eksperto sa paghahayupan na mag-alaga ng dalawang kambing . Kung nag-iisa ang aalagaan, ito ay nagiging malungkot at laging naghahanap ng makakasama. LAHI AT KLASE NG KAMBING Kung mag-aalaga ng kambing, ipinapayo ng mgaeksperto sa paghahayupan na pumili ng lahing angkop sa lugar  na pag-aal

Mga Produktong Pwedeng Gawin Mula sa Kasoy

Image
Ito ay ilan lamang sa mga maaari natin maging basehan ngunit ito ay maaari pa nating mapaunlad. CASHEW JUICE Mga Sangkap: 2 kilo hiniwang kasoy apple (bunga) 1 3/4 tasang asukal Mga Kagamitan: -Sangkalan                            *Salaan *Plastic container                 *Kutsilyo (Stainless) *Stainless container *lMalinis na bote (pinakuluan) *Mixing bowl (palstic) *Thermometer *1/3 Metro ng katsa Mga hakbang sa paggawa Tapyasin ang magkabilang dulo ng kasoy "apple". Hiwain ito ng maliliit na piraso ng pahalang. Gawin ito sa lahat ng kasoy apples. Timbangin ang mga nahiwang cashew apples. Sa bawat kilo lagyan ito ng 3/4 - 1 tasang asukal. Ilagay sa mixing bowl o plastic container at paghaluin mabuti ang kasoy at ang asukal. Takpan ang mixing bowl. Pansamantalang itabi ito ng magdamag. Makalipas ang 12 -15  oras tanggalin ang takip at salain ito. Paraan ng pagsasala Lagyan ng katsa ang salaan na stainless. Siguraduhing hindi mapapahalo ang pulp juice. Itabi